Drivers at Helpers
Mahahalagang Paalala :
Mag ingat sa scammers
- wag maglalabas ng pera para hindi kayo ma-scam
Mag text muna bago pumunta sa employer
alamin muna lahat ng requirements para siguradong dala mo na lahat ng requirements para hindi ka magpabalik balik.
dalhin ang lisensya para pwede makapag test drive na agad
Siguraduhing hindi pa expired ang lisensya mo.
Wag mahiyang magtanong sa employers tungkol sa work set-up at conditions.
alamin mo na lahat ng mga kailangan mo malaman para hindi ka magsimula sa trabahong hindi mo matatagalan. Sayang lang oras nyo ng employer.
Mga halimbawa ng pwede mo itanong:
maalikabok ba or may mabigat na amoy ang trabaho
may tawid dagat ba
gabi ba ang byahe
magbubuhat ba ng mabigat
may over time pay ba
at iba pa